Skip to main content

HEALTH FRONTIERS: Spina bifida

    • Written by  George Nava True II


    Ano ang spina bifida occulta sa sacrum? Delikado ba ito? Ano ang dapat gawin? – name withhel

    * * *

    Ang spina bifida ay isang uri ng birth defect na tinatawag na neural tube defect. Ang neural tube ang siyang nagi­ging utak at spinal cord ng sanggol. Nabubuo ito sa pagbubuntis pero sa ibang sanggol ay hindi nangyayari ito. Dahil ditto, nagkakaroon ng depekto ang spinal cord at mga spinal bones.
    Pwede itong lumitaw sa anumang bahagi ng spine tulad ng sacrum. Ito ay malaking hugis tatsulok na buto sa ibabang bahagi ng spine.
    Spina bifida occulta ang tawag sa mild form ng sakit. Kilala din ito sa pangalan na hidden spina bifida dahil kadalasan na walang sintomas ito at nakikita lamang kapag malaki na ang bata o matanda na.
     Minsan, ang mga sintomas nito ay nakikita sa balat ng bagong panganak na maaaring may abnormal na tumbok ng buhok, taba o birthmark sa bahagi na may diperensya.
    Buti na lang at hindi delikado ito at kadalasan na hindi na kailangang gamutin tulad ng ibang uri ng spina bifida. Kahit may maliit na puwang o diperensya ang isa o ilang buto ng spine, walang naidudulot na problema ang spina bifida occulta.
    Hindi alam ang tiyak na dahilan nito. Madalas makita ito sa babae, sa mataba, may diabetes, pwedeng manahin ito o dahil sa kakulangan ng folate o vitamin B9 na kailangan ng sanggol. Pwede rin itong manggaling sa mga gamot na iniinom habang buntis tulad ng valproic acid. Pinaniniwalaan na dala ito ng mataas na body temperature na dulot ng lagnat o paggamit ng sauna o hot tub habang buntis.
    * * *

    May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee at author ng 3 health books. Facebook account Health Frontiers Online.

Comments

CDA Empowers Cooperatives Through SM Supermalls’ Weekend Market

Cooperative Development Authority (CDA) and SM Supermalls have officially sealed a strategic partnership through a Memorandum of Agreement (MOA) signing held on Monday, July 1, 2025, at the SM Supermalls Headquarters in Pasay City. The agreement marks the beginning of a joint effort to empower Filipino cooperatives by giving them access to high-foot-traffic mall spaces through the SM Weekend Market — a platform dedicated to showcasing local products, homegrown talent, and Filipino entrepreneurship. L-R: Royston A. Cabunag, Assistant Vice President and Lead for MSME and Job Fairs, Engr. Junias M. Eusebio, Vice President for Mall Operations of SM Supermalls formalized partnership through a MOA signing with CDA Chairperson Usec. Alexander B. Raquepo and CDA Administrator Asec. Santiago S. Lim, that aims to empower Filipino cooperatives through the SM Weekend Market initiative. The MOA was signed by Undersecretary Alexander B. Raquepo, CDA Chairperson, and Engr. Junias M. Eusebio, Vice Pre...