HEALTH FRONTIERS: May luga siya
Friday, 18 July 2014 00:0
Written by George Nava True II
no ang gamot sa luga o ear infection? Meron ako nito mula elementary pa. Ako ay 38-anyos na. Nahihirapan na ako, lalo na sa amoy. -- Name withheld.
***
Ang tawag sa ear infection ay acute otitis media at kadalasan ang sanhi nito ay bacterial o viral infection na makikita sa middle ear. Madalas ito sa mga bata. Ang impeksyon ay maaaring galing sa ibang sakit tulad ng sipon, trangkaso o allergy.
Karamihan sa mga ear infections ay nawawala sa loob ng isa o dalawang linggo kahit hindi gamutin. Para mabawasan ang sakit, maglagay ng mainit at basang tela sa apektadong tainga o gumamit ng over-the-counter medicines tulad ng acetaminophen o ibuprofen. Huwag gumamit ng aspin lalo na sa bata o teenagers.
Maaaring resetahan ka ng doktor ng eardrops tulad ng antipyrine-benzocaine-glycerin kung hindi pa sira o butas ang eardrum. Ilagay ito habang nakahiga at nakaharap sa taas ang apektadong tainga. Puwede ka ring bigyan ng antibiotics. Sundin ang paggamit nito para tuluyang mawala ang impeksyon. Kapag hindi, maaaring pabalik-balik ang sakit mo.
Kapag paulit-ulit ang ear infection (recurrent otitis media) o kapag nangyari ito tatlong beses sa loob ng anim na buwan o apat na beses sa isang taon, o may tubig na lumalabas sa tainga kahit walang nang impeksyon, maaaring makatulong ang myringotomy para tanggalin ang tubig.
Binubutas ng siruhano ang eardrum para kunin ang naipong tubig. Pagkatapos nilalagyan ito ng maliit na tubo (tympanostomy tube) para maiwasan ang pagkaroon ang tubig muli. Tatanggalin ito pagkalipas ng anim na buwan o higit pa.
***
May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sageorgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-9720691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee, at author ng 3 health books. Sundan siya sa Twitter sa https://twitter.com/georgenavatrue.
Comments
Post a Comment