Skip to main content

HEALTH FRONTIERS: Home remedies sa almoranas

  • Written by  George Nava True II



Ano ang gamot sa almoranas? -- Bong Sibog ng Trece Martires, Cavite
Depende ito sa laki. Kayang talunin ang maliit na almoranas sa pamamagitan ng home re­medies. Gumamit ng over-the-counter cream, ointment, o suppository na may witch hazel o hydrocortisone para pansa­mantalang mawala ang sakit at pangangati. Pero huwag lumampas sa isang linggo ang paggamit nito dahil nakaka-irita ang na­sabing produkto. Makakatulong din ang mga painkillers tulad ng ibuprofen, aspirin o paracetamol.
Magbabad sa sitz bath o maligamgam na tubig. Ilagay ito sa palanggana at umupo dito ng 10 hanggang 15 minuto dalawa o tatlong beses sa isang araw. Maligo araw-araw at linisin nang mabuti ang puwit. Huwag gumamit ng matapang na sabon o wipes na may pabango. Patuyuin nang mabuti ang pigi pagkatapos maligo.
Huwag gumamit ng tuyong tisyu pagkatapos magdumi. Mas maganda ang wet tissue basta wala itong pabango o alcohol. Pwedeng lagyan ng yelo o cold compress ang puwit para mabawasan ang pamamaga. Kapag hindi nawala ang pagdurugo o pananakit, pumunta sa doktor. Baka kailangang operahan na.
***

Mag-isang linggo nang may kasamang dugo ang dumi ko. Medyo masakit at makati ang puwit ko. -- Name withheld
***
Batay sa sintomas mo, maaaring may almoranas ka. Basahin ang itaas. Pumunta sa doktor para makatiyak.
***
Ano ang gagawin para pumuti ang mukha? Madami na akong ginamit pero walang pa ring epekto. -- Name withheld
***

Epektibo ang mga produkto na may hydroquinone. Pwede itong bilhin kahit walang reseta. Sa mga over-the-counter hydroquinone products, ang mas epektibo ay ang 2% hydroquinone. Kung hindi uubra ito, bibigyan ka ng doktor ng produktong may 4% hydroquinone o mas mataas pa.
Sundin ang utos ng dermatologist sa paggamit nito at huwag ilagay sa mata, ilong o bibig. Maaaring makaranas ng mild burning, stinging, pamumula o pagtuyo ng balat. Kapag tumagal o lumalala ito, tigilan ang paggamit at sabihin sa doktor.
***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee at author ng 3 health books.

Comments

CDA Empowers Cooperatives Through SM Supermalls’ Weekend Market

Cooperative Development Authority (CDA) and SM Supermalls have officially sealed a strategic partnership through a Memorandum of Agreement (MOA) signing held on Monday, July 1, 2025, at the SM Supermalls Headquarters in Pasay City. The agreement marks the beginning of a joint effort to empower Filipino cooperatives by giving them access to high-foot-traffic mall spaces through the SM Weekend Market — a platform dedicated to showcasing local products, homegrown talent, and Filipino entrepreneurship. L-R: Royston A. Cabunag, Assistant Vice President and Lead for MSME and Job Fairs, Engr. Junias M. Eusebio, Vice President for Mall Operations of SM Supermalls formalized partnership through a MOA signing with CDA Chairperson Usec. Alexander B. Raquepo and CDA Administrator Asec. Santiago S. Lim, that aims to empower Filipino cooperatives through the SM Weekend Market initiative. The MOA was signed by Undersecretary Alexander B. Raquepo, CDA Chairperson, and Engr. Junias M. Eusebio, Vice Pre...