Skip to main content

HEALTH FRONTIERS: Sambong sa bato?







Salamat sa pagsagot mo sa email ko tungkol sa kidney stone kahapon sa Abante. Gumagamit ako ng sambong capsule para dito. Paano malalaman kung natunaw na ang bato? Kailangan bang magpa-­ultrasound ulit? Mahal kasi eh. -- Veejay.
***

Kadalasan mararamdaman kung lumabas na ang bato habang umiihi. Pero mas sigurado ang ultrasound dahil nakikita talaga kung may natira pa.
Ang Blumea balsamifera o sambong ay ginagamit bilang diuretic o water pill. Nagpapalabas ito ng tubig sa katawan kaya sinasabing lalabas ang bato dito. Pero take note na wala itong “approved therapeutic claims”. Ibig sabihin ay hindi garantisado na lalabas ang bato dito at hindi rin ito kinikilala na gamot sa kidney stone.

Kung ako sa iyo, uminom ka na lang ng mara­ming tubig. Libre lang ito at wala pang side effects.

***

Nagagamot ba ang hepa B? Paano? -- Name withheld.

***

Walang gamot ang hepatitis B pero huwag mag-alala dahil karamihan ng apektado ay gumagaling kahit malubha ang sintomas nila. Ang delikado ay mga bata at sanggol dahil puwede silang magkaroon ng chronic infection na maaaring magdulot ng liver failure o cancer.

Kung na-expose ka sa hepa B virus, pumunta sa doktor agad upang magpa-injection ng hepa B immune globulin. Kapag ginawa ito sa loob ng 24 oras, maaaring hindi ka na magkaroon ng hepa B. Kung acute ang infection, kusa itong mawawala at hindi na kailangang gamutin. Bibigyan ka lamang ng gamot para mawala o mabawasan ang sintomas nito.

Kung may chronic hepa B infection, bibigyan ka ng doktor ng antiviral medicines para labanan ang virus at hindi masira ang atay. Kung sira na ito, kaila­ngan ng liver transplant.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sageorgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-9720691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Phi­lippine Dental Association awardee, at author ng 3 health books. Sundan siya sa Twitter sa https://twitter.com/georgenavatrue.

Comments

SM Supermalls and PNP Anti-Cybercrime Group Join Forces to Promote Public Awareness on Cybersecurity

Strengthening Cybersecurity Awareness   The partnership between SM Supermalls and the PNP-ACG highlights their shared mission to raise public awareness on cybercrime prevention. L-R: Karen C. Zabaljauregui, Senior Assistant Vice President for SM Lifestyle, Inc., Engr. Junias M. Eusebio, Operations Vice President for SM Supermalls, PBGen. Matthew P. Baccay, PNP Acting Director for Investigation and Detention Management, PBGen. Bernard R. Yang, PNP Acting Director for Anti-Cybercrime Group. Manila, Philippines – September 2, 2025. SM Supermalls and the Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) have formalized their partnership through a Memorandum of Agreement (MOA) signing held today at the SM Supermalls Headquarters Boardroom in MOA Square, Pasay City. The partnership highlights SM Supermalls’ commitment to championing public safety and security by supporting the PNP-ACG’s efforts to raise awareness on cybercrime prevention. Under the agreement, SM Supermalls an...