Skip to main content

HEALTH FRONTIERS: Buntis nga ba?


Ano ba ang sintomas ng pagbu­buntis? Dalawang linggo na kasi akong delayed. A­abangan ko ang sagot niyo sa Abante. May tiwala kasi ako sa inyo. Salamat! -- Name withheld.
***
Madaling ma­laman kung buntis ka. Mag-pregnancy test at makikita mo agad ang resulta.
Puwede ring ma­laman ito sa pamamagitan ng mga sintomas na lumalabas sa first few weeks of pregnancy. Bukod sa missed pe­riod, magiging ma­lambot at namamaga ang suso, may pagka­hilo, madalas umihi, may pagkapagod at merong food aversion o food cravings.
Sa food aversion, ayaw mong kumain ng ilang pagkain o ‘yung dati mong kinakain. Sa food cra­vings naman, ito ‘yung nagli­lihi at naghahanap ka ng kung anu-anong pagkain. Ito ang cross na pasan ng mga lalaki kapag buntis ang misis nila!
May mga babae na nagkakaroon ng konting pagdurugo o spotting. Kilala din ito sa pa­ngalang implantation bleeding at nagsi­simula ito pagka­lipas ng 10 hanggang 14 araw pagka­tapos ma­buntis. Puwede ring magkaron ng cramps at mood swings kung saan paiba-iba ang mood mo. Ang iba naman ay nagiging constipated (matigas ang dumi).
Pero ang mga na­sabing sintomas ay puwede ring maranasan ng babaeng hindi buntis o may ibang sakit. Puwede ring mabuntis na walang nararamdaman at hindi makaranas ng mga sintomas.
Kung ako sa iyo, mag-pregnancy test ka para hindi ka na manghula pa. Kung positive ang test, pumunta sa isang gynecologist para ma-confirm ito.
***
May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sageorgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-9720691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Phi­lippine Dental Associa­tion awardee, at author ng 3 health books. Sundan siya sa Twitter sa georgenavatrue.

Comments

SM Supermalls and PNP Anti-Cybercrime Group Join Forces to Promote Public Awareness on Cybersecurity

Strengthening Cybersecurity Awareness   The partnership between SM Supermalls and the PNP-ACG highlights their shared mission to raise public awareness on cybercrime prevention. L-R: Karen C. Zabaljauregui, Senior Assistant Vice President for SM Lifestyle, Inc., Engr. Junias M. Eusebio, Operations Vice President for SM Supermalls, PBGen. Matthew P. Baccay, PNP Acting Director for Investigation and Detention Management, PBGen. Bernard R. Yang, PNP Acting Director for Anti-Cybercrime Group. Manila, Philippines – September 2, 2025. SM Supermalls and the Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) have formalized their partnership through a Memorandum of Agreement (MOA) signing held today at the SM Supermalls Headquarters Boardroom in MOA Square, Pasay City. The partnership highlights SM Supermalls’ commitment to championing public safety and security by supporting the PNP-ACG’s efforts to raise awareness on cybercrime prevention. Under the agreement, SM Supermalls an...