Skip to main content

HEALTH FRONTIERS: Bad breath



Ano ba ang mabisang gamot sa bad breath? Mabaho ang hangin na lumalabas sa ilong ko. Parang panis na pagkain ang amoy. Wala naman akong problema sa ngi­pin. Lagi naman akong nagsisipilyo, nagfo-floss at gumagamit ng mouthwash.
Three years ago, nagkaroon ako ng chronic sinusitis. Marami akong ininom na antibiotics at anti-allergy medicines. Binigay ito ng isang ENT specialist pero walang nangyari.

Nakaka-frustrate at nakaka-insecure ang problema ko. Kapag kuma­kain ako napansin ko na may naiiwan na pagkain malapit sa ilong ko kahit umiinom ako ng tubig.

Dalawang beses na ring nangyari na kapag suminghot ako lumalabas sa ilong ang kapirasong pagkain na galing sa lalamunan ko. Kahit nakakadiri ay hinahawakan ko at masama talaga ang amoy nito. Parang bulok na itlog.
Parang dumidikit sa daliri ko ang amoy at hindi nawawala kahit maghugas ako. Paki­ tulungan ako dahil wala na akong panggastos sa doktor. Graduating civil engineer ako at nahihirapan akong pagsabayin ang pag-aaral, OJT at ang paghanap ng gamot sa sakit ko.

Salamat sa anumang maitulong niyo. God bless you! -- MJG.

***

Huwag kang mawalan ng pag-asa MJG dahil may solusyon sa problema mo. Bad breath is a common problem at mawawala ito kapag nalaman kung ano ang sanhi nito. Tatalakayin ko ito sa Lunes, July 14, 2014, kaya make sure to get a copy of Abante on that day! Happy weekend!

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sageorgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-9720691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee, at author ng 3 health books. Sundan siya sa Twitter sa https://twitter.com/georgenavatrue.

Comments

SM Supermalls and PNP Anti-Cybercrime Group Join Forces to Promote Public Awareness on Cybersecurity

Strengthening Cybersecurity Awareness   The partnership between SM Supermalls and the PNP-ACG highlights their shared mission to raise public awareness on cybercrime prevention. L-R: Karen C. Zabaljauregui, Senior Assistant Vice President for SM Lifestyle, Inc., Engr. Junias M. Eusebio, Operations Vice President for SM Supermalls, PBGen. Matthew P. Baccay, PNP Acting Director for Investigation and Detention Management, PBGen. Bernard R. Yang, PNP Acting Director for Anti-Cybercrime Group. Manila, Philippines – September 2, 2025. SM Supermalls and the Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) have formalized their partnership through a Memorandum of Agreement (MOA) signing held today at the SM Supermalls Headquarters Boardroom in MOA Square, Pasay City. The partnership highlights SM Supermalls’ commitment to championing public safety and security by supporting the PNP-ACG’s efforts to raise awareness on cybercrime prevention. Under the agreement, SM Supermalls an...