Skip to main content

HEALTH FRONTIERS: Bad breath 2


Ito ang huling bahagi ng sagot ko kay MJG na may bad breath.
Ikaw na rin ang nagsabi na wala kang problema sa ngipin at meron kang chronic sinusitis kaya sigurado akong ito ang sanhi ng bad breath (halitosis) mo.
Sa chronic sinusitis o chronic rhinosinusitis, namamaga ang sinuses sa paligid ng nasal passages. Tumatagal ito nang walong linggo kahit gamutin. Dahil hindi makalabas ang sipon, mucus at ibang dumi, naiipon ito sa ilong kaya mahirap huminga at mabaho ang hininga.
Bukod dito, ang ibang sintomas ay makapal na dilaw o kulay berde na nasal discharge na galing sa ilong o tumutulo sa likod ng lalamunan, sakit ng ulo, pananakit o pamamaga sa gilid ng mata, pisngi, ilong, o noo, at panghihina ng pang-amoy o panlasa. Maaaring sumakit ang tainga, itaas na panga at ngipin, may ubo lalo na sa gabi, sore throat, pagkapagod, at pagkahilo.
Ang mga dahilan ng chronic sinusitis ay allergic reactions, baluktot na nasal septum (ang buto na humahati sa ilong), o sakit tulad ng respiratory tract infections. Malaki ang pagkakataon na magkaroon ng ganitong sakit kung sensitive sa aspirin, may asthma, hay fever o ibang allergic conditions ang pasyente, at madalas siyang exposed sa usok ng sigarilyo.
Mawawala ang bad breath kapag nawala ang chronic sinusitis. Pumunta sa isang ENT specialist. Maaaring bigyan ka ng saline spray para malinisan ang ilong at nasal corticosteroids para mabawasan ang pamamaga tulad ng fluticasone, budesonide, triamcinolone, mometasone, o beclomethasone. Para sa malubhang condition, pwedeng gumamit ng oral o injected corticosteoirds tulad ng prednisone at methylprednisolone.
Mabisa ang antibiotics kung ang karamdaman ay galing sa bacterial infection. Pwede ring subukan ang allergy shots (immunotherapy). Kung hindi pa rin ito gumaling, ang last resort ay endoscopic sinus surgery.

* * *
May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sageorgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee at author ng 3 health books. Sundan siya sa Twitter sa https://twitter.com/georgenavatrue.

Comments

SM Supermalls champions MSMEs at SM Dagupan's Bangus Festival Food Fiesta

Dagupan sizzled with pride, flavor, and Filipino flair as SM Center Dagupan brought the heat to the city’s iconic Bangus Festival with its dynamic Bangus Festival Food Fiesta and up-to-70% summer sale, all while proudly championing local entrepreneurship through SM for Micro, Small, and Medium Enterprises ( MSMEs). In a city known as the Milkfish Capital of the Philippines, the annual Bangus Festival was more than just a celebration — it was a heartfelt tribute to the hardworking people and rich culture that made Dagupan shine. And this year, SM Center Dagupan didn’t just join the party — it elevated it. In the photo: SM Supermalls Assistant Vice President for Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) Royce Cabunag (5th from left), with Department of Trade and Industry (DTI) representatives led by Atty. Joseph Manuel Pamittan (center), along with the MSMEs, at the launch of the Bangus Festival Food Fiesta at SM Center Dagupan in Pangasinan. From April 25 to 30, SM shoppers and fest...