Thursday, July 17, 2014

HEALTH FRONTIERS: Sa wakas may gamot na ang PE

Thursday, 17 July 2014 00:00

Written by  George Nava True II

Magandang balita para sa mga lalaking madaling labasan o merong premature ejaculation (PE). Kamakailan lang, ipinakilala ng Italian pharma giant A. Menarini Philippines (AMP) ang bagong gamot sa PE na mabibili ngayon sa Pilipinas. Ito ay ang dapoxetine, ang kauna-unahang gamot sa PE na aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).

“Dahil sa dapoxetine, pwede nang ma-control ang ejaculation at hindi na mahihirapan ang babae at lalaki,” ayon kay Dr. George Lee Eng Geap, consultant urological surgeon ng Gleneagles Hospital sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“Ang pagdating ng dapoxetine ay malaking bagay para sa mag-asawang apektado ng PE -- isang karaniwang problema ng lalaki. Sa wakas, hindi na kailangan umasa sa mga palpak na gamot na hindi naman aprubado ng FDA at maaaring makasama pa sa kalusugan,” dagdag ni Dr. Ulysses Quanico, presidente ng Philippine Urological Association (PUA).
Sina Lee at Quanico ay nagsalita sa “Media Briefing on Premature Ejaculation” na isinagawa ng AMP sa Holiday Inn Galleria sa Pasig City.
Dahil sa lack of control, ang PE ay nagdudulot ng negatibong epekto sa relasyon ng mag-asawa at bumababa rin ang kanilang sexual satisfaction. Maraming lalaki ang may ganitong problema pero hindi agad sila nakikilala.
Ayon sa Asia Pacific PE Prevalence and Attitude Study, isa sa tatlong lalaki ay may PE. Sinabi ng 2013 Asia-Pacific Sexual Behaviors and Satisfaction Survey na 91 percent ng lalaki sa Pilipinas ay naniniwala na importante ang sexual satisfaction ng babae sa isang relationship. Gusto nilang maging masaya, satisfied at loved ang partners nila.
Subalit sa parehong survey, sinasabi na pito sa sampung Filipinos (72 percent) ay problemado dahil sa paniwalang hindi nila mapaligaya ang kanilang partner. Almost half (46 percent) ay nagsabi na problemado sila sa PE.
Ang masama rito ay ang PE ay nakakasira ng pagmamahalan ng mag-asawa. Naniniwala ang isa sa limang lalaki (20 percent) na may PE na baka mauwi sa paghihiwalay o divorce kung hindi ito magamot.
“Ang mga lalaking may PE ay kadalasan ayaw magsalita tungkol sa kanilang problema dahil nahihiya sila o wala silang matakbuhan. Ayaw ding pag-usapan ng babae dahil ayaw nilang mapahiya o masaktan ang damdamin ng lalaki. Ito ang dahilan kung bakit hindi agad ma-detect at magamot ang PE,” sabi ni Lee.
“Dahil sa kahihiyan, konti lamang ang nagsasalita tungkol sa PE,” sabi ni Quanico.
Para matulungan ang lalaking may ganitong problema, ang PUA at AMP ay naglunsad ng kampanya laban sa PE. Pwedeng pumunta sa kanilang website sa Control PE o mag-email sa inquire@controlPE.ph para makakuha ng sapat at tamang impormasyon tungkol dito. Maaaring kumuha ng PE test sa website at makahanap ng doktor na makakatulong sa problema.
Hindi alam ang tunay na dahilan ng PE pero ayon sa experts, may kinalaman ang neurotransmitter na serotonin. Kapag kulang ng serotonin ang lalaki, ito ay nagdudulot ng PE. Buti na lang at pwede na itong maayos dahil sa dapoxetine.
Ang dapoxetine ay maaaring inumin ng lalaking between 18 at 64-anyos. Gamitin ito one to three hours bago mag-sex at epektibo ito in most males sa unang dose lamang. Ang optimal effect nito ay makikita pagkatapos uminom ng six doses sa loob ng apat ng linggo.
“Inaanyayahan namin ang mga lalaki na pumunta sa Control PE, magkuha ng test doon, at kumunsulta sa doktor para matulungan sila,” sabi ni Dr. Digna Almeida, AMP medical affairs director.
***
May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sageorgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691. Sasagutin ni George ang problema mo rito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee, at author ng 3 health books. Sundan siya sa Twitter sa Georgenavatrue.

RELATED ITEMS