Saturday, July 12, 2014

HEALTH FRONTIERS: Puksain ang pesteng kuto


Ngayong pasukan, maraming problema ang hinaharap ng mga magulang at bata. Isa na dito ay kuto o head lice.
Nakakatakot isipin pero madaling kumalat ang kuto sa paaralan. Ito ay dahil malapit ang mga bata sa isa’t isa. Habang nasa paaralan sila, sama-sama sila sa iba’t ibang gawain. Sabay silang naglalaro, kumakain at nagpapahiram ng gamit sa kaklase o kaibigan tulad ng suklay, brush, headband at ribbon.

Dahil din sa school activities tulad ng scouting o retreat, ang ibang bata ay natutulog sa paaralan katabi ang kaklase o best friend nila. Hindi ma­iwasan na matulog sila sa isang higaan at mag-share ng unan at kumot. Sa mga pagkakataong ito, ma­daling kumalat ang kuto.

Kaya hindi na kataka-taka kung magkaroon ng kuto ang anak mo. Nakaka­hiya ito pero puwedeng magamot at ma­iwasan kapag maingat ka. Narito ang dapat gawin:

Una, huwag lumapit sa taong may kuto. Medyo mahirap gawin ito dahil hindi agad makikita kung ang katabi mo ay may kuto. Direct physical contact ang tanging paraan para kumalat ang kuto kaya magduda ka kung laging nagkakamot ng buhok ang katabi mo.
Huwag magpahiran ng gamit sa ibang tao. Bukod sa suklay, kasama dito ang sumbrero, bandana, jacket, sweater at PE uniform.

Kapag may kuto na ang bata o meron kang nakita sa unan, damit, kumot o suklay nito, hugasan ang mga bagay na ito sa mainit na tubig at ilagay sa dryer para mapatay ang lisa. Puwedeng ipa-dry clean ang mga damit at ibang gamit o ilagay ito sa plastic bag for two weeks. Mamamatay ang kuto kapag hindi sila nakakain sa loob ng isa o dalawang araw at ang mga itlog o nits nito ay hindi rin mabubuhay nang matagal kapag wala sa anit.

I-vacuum ang sahig at mga gamit tulad ng sofa na maaaring may lisa. Hindi kailangang mag-vacuum araw-araw dahil madaling mamatay ang lisa o nits kapag wala sa anit.

Lastly, gumamit ng mabisa, mura at ligtas na head lice treatment shampoo tulad ng LiceAliz na puwede sa bata o matanda. Gawa ito sa natural ingredient na pyrethrin na galing sa chrysanthemum flowers. Madaling gamitin ito dahil parang ordinaryong shampoo lang. Ilagay sa buok at banlawan pagka­tapos ng 10 minuto. Para mapatay ang kuto, gamitin ito dalawang beses sa isang linggo for two weeks. Pagkatapos, use it once a week para hindi na bumalik ang pesteng kuto sa anit.

Meron ding LiceAliz na may conditioner upang mapanatiling malambot at malusog ang buhok at LiceAliz menthol for a cool, refreshing feeling.